-- Advertisements --
Duterte podium

Dumipensa ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatalaga niya kay Lt. Col. Jovie Espenido sa lungsod ng Bacolod.

Sinabi ng Pangulo na kaya niya inilagay ang nabanggit na police official ay dahil sa napabalitang talamak umano ang droga sa lugar.

Dagdag pa nito sa kaniyang talumpati sa 45th Philippine Business Conference and Expo sa Manila, dapat maging matapang si Espenido at patayin ang mga gumagawa ng iligal lalo na sangkot sa iligal na droga.

Magugunitang hepe noon ng Albuera PNP sa Leyte si Espenido nang mapatay sa isang search operation si Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob ng jail facility sa Baybay City, Leyte noong Nobyembre 2016.

Taong 2017 nang inilipat ito sa Ozamiz City at napatay naman sa drug raid si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at 15 iba pa.

espenido
Police Lt. Col. Jovie Espenido