Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit pinapayagan ang pag-angkat ng mga tobacco at ang pagbawal ng electronic cigarettes o vape.
Ayon sa Pangulo, binubuwisan ng gobyerno ang mga tobacco manufacturer at importer kumpara sa mga vape at e-cigarettes.
Ipinaggiitan pa rin nito na naglalaman ng nicotine at ibang nakakalasong kemikals ang vape at hindi ito nakokontrol ng Food and Drugs Administration.
Sakop pa rin aniya ang ipinalabas nitong kautusan ang pagbabawal ng paninigarilyo sa publiko ang vaping dahil ang mga e-cigars ay naglalaman din ng nicotine.
Samantala, nagbiro naman ang Pangulong Duterte na kaniyang papatayin ang nag-imbento ng electronic cigarettes o vape.
Sa kaniyang talumpati sa mga elderly Filipinos sa Taguig City, ani Presidente kung sakaling makita niya ang imbentor ng vape ay kaniya itong ipapapatay.
Ang nasabing pahayag ay ilang araw matapos na ipag-utos nito ang pagbabawal sa publiko nang paggamit ng vape.
Samantala, kinikilala naman na ang nag-imbento sa e-cigarette ay si Hon Lik na isang Chinese national.