-- Advertisements --

Suportado umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasabatas ng Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality bill, na naglalayong protektahan mula sa diskriminasyon ang mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender and queer (LGBTQ) community.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Bong Go, nakipagkita ang Pangulo sa mga LGBTQ advocates, kasama na ang transgender woman na si Gretchen Diaz, sa Malacañang upang ipakita ang kanyang buong suporta sa LGBTQ community.

Isusulong din umano ng Punong Ehekutibo sa Kongreso na ipasa ang SOGIE Equality bill.

Kabilang sa mga mungkahing natalakay ang pagtatag ng komisyon para sa LGBTQ, at pagbuo ng isang national convention.

Magsisilbing daan ang nasabing convention para maihayag ng LGBTQ community ang kanilang mga hinaing, at makalikha ng mga panukala upang mapangalagaan ang kanilang kapakanan.

“As a country that prides itself for its diversity, it is our moral obligation to safeguard a culture of acceptance and inclusivity to ensure that our children and generations of Filipinos to come will live in a nation where they feel loved, cared for and accepted,” saad ni Go.