-- Advertisements --
Duterte on podium
President Duterte

Isusunod na ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa nagpapatuloy nitong kampanya kontra kurapsyon.

Sa kaniyang talumpati sa Romblon, sinabi ng Pangulo na maraming mga sumbong na siyang natatanggap tungkol sa nagaganap na kurapsyon sa BIR.

Naghalimbawa pa ang Pangulo kung paano kumita ng ilang milyon ang mga tax examiner ng ahensya.

Tiniyak nito na lahat ng mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa kurapsyon ay masasampahan ng kaso.