Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ngayong araw ng 46th Anniversary nge Philippine-China Relations at 20th Anniversary ng Filipino-Chinese Friendship Day.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na ang okasyon ay paalala sa malalim at makabuluhang pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Tsino.
Ayon kay Pangulong Duterte, ilang siglo na ang relasyong ito na napagtibay noong naitatag ang diplomatic relations, 46 taon na ang nakakaraan.
Inihayag ni Pangulong Duterte na habang papalapit ang pagdiriwang ng 50th Anniversary ng Philippines-China ties, win-win cooperation ang magtitiyak na ang relasyon ng Pilipinas at China ay mananatiling partnership para sa kapayapaan, kaunlaran at kaginhawaan.
Matapos nito, sumunod na nagbigay ng mensahe para sa pagkakaisa, pagkakaibigan at kooperasyon ng Pilipinas at China lalo sa panahon ng CXOVID-19 pandemic si Chinese Embassy to the Philippines Charge d’Affaires Tan Qing Shen.
Kabilang din sa mga dumalo sa selebrasyon sa pamamagitan ng Zoom sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Senate President Vicente Sotto III, Sen.r Imee Marcos, Speaker Lord Allan Velasco, Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin, Jr., Trade and Industry Sec. Ramon Lopez at Defense Sec. Delfin Lorenzana.
“Today’s celebration reminds us of the deep and abiding friendship between the Filipino-Chinese peoples. It is a bond that predates by centuries, the formal establishment of diplomatic relations 46 years ago,” ani Pangulong Duterte.
“As we approach the 50th Anniversary of Philippines-China ties, win-win cooperation will ensure that our relations remain a partnership for greater peace, progress and prosperity.”