-- Advertisements --

Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Muslim kaugnay ng pagsisimula ng kanilang Ramadan o Feast of Sacrifice.

Sa mensahe ni Pangulong Duterte, sinabi nitong umaasa siyang magsilbing paalala ang yugtong ito sa mga sakripisyo, pagtitiyaga, pagsunod at pagpapakumbabang nakasaad sa itinuturo ng banal na Quran.

Ayon kay Pangulong Duterte, magsilbi rin sanang pagkakataon ito para makahingi ng kapatawaran sa mga kasalanan at maging mapagpasalamat din sa mga biyayang tinanggap.

Kasabay nito, tiniyak ng pangulo na patuloy na nagsisikap ang kanyang administrasyon para mapag-isa ang mga Pilipino sa kabila ng magkakaibang paniniwala, tradisyon, paninindigang politikal at relihiyon.