-- Advertisements --
Kuntento umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinumiteng report ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ukol sa road clearing operations sa buong bansa.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, binati pa raw ng Pangulong Duterte ang kagawaran at mga local officials na nakibahagi sa nasabing hakbang.
Sang-ayon sa DILG report, nasa 6,899 na mga lansangan ang nalinis mula sa mga obstruction o harang sa loob ng dalawang buwan.
Sa nasabing bilang, 612 ang sa Metro Manila habang 1,148 na iba pang lokal na pamahalaan ang pasado sa validation ng DILG at binigyan ng rank na high, medium o low compliance.
Gayunman, 98 na local government units ang hindi nakasunod sa atas ng Pangulong Duterte na pag-alis sa mga obstruction.