-- Advertisements --

Nagbago ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usaping federalismo at nais na lamang nitong isulong ang pagpapalit ng konstitusyon.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga bagong upong senador ng bansa, tanggap niya kung hindi matuloy ang pederalismo sa kaniyang administrasyon.

Walang magiging problema aniya kung hindi sa panahon nito magaganap ang pederalismo basta ang mahalaga ay mabago ang konstitusyon.

Itinuturing kasi ni Duterte ang federalism government na siyang magdadala sa kaunlaran ng bansa.