Itutuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang balak niyang pagpunta sa bansang Kuwait para hilingin sa gobyerno doon na ipataw ang maximum sentence na death penalty para sa mga employer ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jeanelyn Villavende.
Magugunitang nakadetine na ang mga employer na inaakusahan ng sexual abuse, torture at pagpatay sa Pinay OFW.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit pa may travel ban sa Kuwait para sa ilang mga bansa kabilang ang Pilipinas dahil sa COVID-19, may paraan pa rin para makapunta si Pangulong Duterte doon.
“Pwede naman iyan government to government. They can always exempt the president,” ani Sec. Panelo.
Gayunman hindi pa masabi ni Sec. Panelo kung kailan gagawin ng Pangulo ang pagpunta sa Kuwait.