Tahasang hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko lalo na si Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio na sampahan siya ng impeachment complaint.
Sa interview sa MalacaƱang, nanggigigil sa galit na sinabi ni Pangulong Duterte na subukan siya at pupulutin sila sa kangkungan.
Ayon kay Pangulong Duterte, wala umanong “moral ascendancy” si Carpio sa kanyang pinagsasabi at makikita nito ang hinahanap kung sinubukan siya.
Kasabay nito, iginiit ni Pangulong Duterte na ginagawa niya ang mandatong protektahan ang mga Pilipino sa pamamagitan ng hindi pakikipag-away sa China.
Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na aanhin pa ang mga isda at mga aanihing yaman sa exclusive economic zone (EEZ) kung patay at ubos na ang mga Pilipino.
Inihayag pa ni Pangulng Duterte na wala ng silbi ang kopya ng Konstitusyon at mistulang tissue paper na lamang na panglinis sa pwet kung nagkagiyera na sa pagpupumilit na pagsolo sa EEZ.