Mananatili sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte bago ang Christmas break.
Sinabi ni Pangulong Duterte na pagkakaabalahan niya ang tambak na dokumento na kailangang basahin at pirmahan.
Ayon kay Pangulong Duterte, wala lang sanang bagyo pagsapit ng Pasko dahil tiyak na hahanapin na naman siya ng publiko.
Inihayag ni Pangulong Duterte na ito ang pinakamatagal niyang pamamalagi ngayon sa Malacañang.
Pangako ng pangulo, magbibigay siya ng public address kada araw ng Lunes para malaman ng taongbayan ang ginagawa ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Magugunitang nabatikos ng husto si Pangulong Duterte dahil sa pananatili sa Davao City habang nanalasa ang mga bagyong Rolly, Quinta at Ulysses.
“So sa mga kababayan ko, medyo naibigay ko na ‘yung input sa inyo sa mga araw na ‘to. I’ll be back every Monday ata. So nandito ako. I’ll stay here for the longest time before Christmas. Sana huwag na magkabagyo-bagyo. Hanapin na naman tayo,” ani Pangulong Duterte.