-- Advertisements --

BANGKOK – Kinumpirma ni Trade Sec. Ramon Lopez na magiging abala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagpupulong sa mga negosyante sa Thailand maliban pa sa mga meeting nito sa dadaluhang 34th ASEAN Summit mula sa Sabado hanggang araw ng Linggo.

Sa press briefing ni Sec. Lopez sa International Media Center sa Bangkok, Thailand, sinabi nitong isa sa prayoridad ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Thailand ay ang pag-imbita sa mga negosyanteng maglagak ng negosyo sa Pilipinas at ipakilala ito bilang isang investment destination.

Ayon kay Sec. Lopez, kabilang sa schedule ni Pangulong Duterte ay ang pakikipagpulong sa mga negosyante ng Thailand, mga lider at members ng Thai industries, business chambers at iba pang pribadong kompanya gaya ng bangko, agri-business at real estate.

Hihikayatin umano ni Pangulong Duterte ang mga itong mamuhunan sa bansa na sinasabing pangalawa sa pinakamabilis na lumalagong bansa sa ASEAN Region.