-- Advertisements --
Sinalubong ng mga opisyal China ang delegado ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Lumapag ang sinakyang eroplano ng pangulo dakong 7:40 ng gabi kung saan kasama nito ang kaniyang asawang si Honeylet Avanceña at anak nitong si Veronica.
Nasa China ang pangulo para sa apat na araw na infrastructure forum.
Magsisimula sa Huwebes ang akitibidad ng pangulo kung saan magkakaroon ito ng magkahiwalay na pagpupulong kina Chinese President Xi Jinping at Chinese Premier Li Keqiang.
Hind naman matiyak kung tatalakayin ba ang problema sa pinag-aagawang isla sa South China Sea.