Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na bigyan ng pagkakataon ang Philippine Identification System (PhilSys) at makibahagi sa mass registration nito.
Sinabi ni Pangulong Duterte, i-maximize sana ng lahat ang advantage ng pagkakaroon ng universal at secured na database na magpapabilis at magpapagaan sa mga transaksyon.
Ayon kay Pangulong Duterte, titiyakin ng PhilSys na mapapanatili ang privacy ng mga personal information na maku-kolekta ng pamahalaan.
“Let me assure everyone as well as apart from its primary purpose of providing a resilient digital identification system for all Filipinos, PhilSys will also uphold the privacy of all personal information,” ani Pangulong Duterte.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang pangulo na kasabay ng pakikibahagi sa registration process para dito, obserbahan pa rin ang mga health protocols laban sa COVID-19.
“Allow me to stress however that as we go through the entire registration process, we must continue to observe health protocols to ensure our safeety amidst Covid-19 pandemic,” dagdag ni Pangulong Duterte.