Nakatakda umanong mag-usap ulit sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari.
Sa talumpati nito sa lungsod ng Isabela, Basilan nitong Linggo ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte, tatalakayin daw nila ni Misuari kung ano ang mga gagawin sa mga teritoryong sakop ng Bangsamoro Organic Law.
Dumipensa naman ang Punong Ehekutibo sa pagbibigay nito ng pahintulot kay Misuari ana makalabas ng bansa.
“Hindi naman tatakas ‘yan. I am sure Misuari does not want to die away from his native land,” wika ni Duterte.
Kasabay nito, nangako ang Pangulong Duterte na patuloy itong magbibigay ng mga proyekto sa Mindanao, na kanya raw gagawin sa huling dalawang taon nito sa kanyang termino.
“Yung train mahaba. Bigyan ko pa kayo ng international airport,” ani Duterte.