-- Advertisements --
ILOILO CITY – Makikipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alkalde at gobernador sa bansa pagkatapos ng kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 22.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Gov. Arthur “Toto” Defensor Jr., sinabi nitong ang pagpupulong ay gaganapin sa Martes, isang araw matapos ang SONA ng Pangulo.
Ayon kay Defensor, wala pa siyang alam hinggil sa magiging paksa sa post-SONA meeting.
Inihayag ni Defensor na ito ang kauna-unahang pagpupulong ni Duterte sa mga nahalal na alkalde at gobernador sa nakaraang midterm elections.
Nauna nang inihayag ng gobernador na hindi pa sigurado kung makakadalo siya sa SONA dahil na rin sa dengue outbreak sa lalawigan ng Iloilo.