-- Advertisements --
Hindi sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang pangalan ng mga artistang sangkot sa iligal na droga.
Ayon sa pangulo na hindi naman tumatakbo sa anumang government position ang nasabing artista kaya hindi na kailangan ito ay pangalanan pa sa publiko.
Inamin niya na wala siyang kopya ng listahan ng mga artista na sangkot sa iligal na droga.
Ipinapaubaya na lamang niya ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang desisyon at hindi niya ito pakikialaman.
Magugunitang ibinunyag ng PDEA na mayroong 31 artista ang itinuturong sangkot sa iligal na droga.