BACOLOD CITY – Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na mamamatay din ang sino mang pumalit sa napatay na umano’y drug lord sa Western Visayas na si Melvin Odicta.
Sa speech nito sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan sa Bacolod City kagabi, muling nagbanta ang presidente sa sino mang papasok sa illegal drug trade.
Muli rin niyang binanggit ang dating director ng Bacolod City Police Office na bumisita kay City Councilor Ricardo “Cano†Tan sa ospital, kasama ang dalawa pang pulis.
Taong 2018 nang nakaligtas sa ambush si Tan habang papauwi na ito galing sa Barangay Alangilan at binaril sa Barangay Granada.
Mismong si Tan at ang kanyang asawa ang pumunta sa ospital matapos ipinaalam sa Police Station 5 at siya ay binisita ni Police Col. Francisco Ebreo.
Sa kanyang mga talumpati, inakusahan ni Duterte si Tan na sangkot sa iligal na droga.
Sa ngayon, naka-indefinite leave si Tan bilang konsehal ng Bacolod.
Ayon kay Duterte, papatayin ang sino mang papalit kay Odicta o mas kilala noon na si “alyas Dragon.â€
Kung maaalala, si Odicta at ang kanyang misis na si Miriam ay pinatay noong August 2016 habang sila ang nasa Caticlan Jetty Port sa Aklan.
Sumakay sila sa Ro-Ro vessel na mula sa Batangas at dumaong sa Caticlan Port nang sila ang pinatay ng dalawang suspek.