-- Advertisements --

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ikakampanya niyang huwag iboto sa panibagong public office si Sen. Richard Gordon sa darating na eleksyon sa 2022.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ito ay kung muling tatakbo sa pagka-senador o alinmang posisyon si Sen. Gordon sa eleksyon.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi nababagay maging senador si Gordon lalo pa sa mas mataas na posisyon.

Si Sen. Gordon ang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa umano’y mga anomalya sa paggastos ng gobyerno sa pagbili ng pandemic supplies sa Pharmaly Pharmaceutical Corporation.

Pinaninindigan naman ni Pangulong Duterte na walang naganap na korupsyon sa transaksyon ng gobyerno sa pandemic response nito.

Una ng chief executive na kung napatunayang may katiwalian sa pagbili ng pamahalaan sa pandemic supplies, magbibitiw siya sa pwesto.