-- Advertisements --
Duterte on Lotto
Duterte

CENTRAL MINDANAO- Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Alhaj Murad Ibrahim ang decommissioning ng mga MILF fighters sa Maguindanao.

Bago lang ay pinulong ni Bangsamoro Transition Authority (BTA) Member at majority floor leader Atty. Lanang Ali Jr ang mga myembro ng Task Force on Camp Transformation (TFCT) .

Para makapagbigay nang pinakahuling ulat sa implimentasyon ng normalization process ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) partikular ang transformation ng mga kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa iba’t ibang lugar sa Mindanao tungo sa mapayapa at progresibong komunidad.

Sinabi ni Ali na lahat ay kanilang ginagawa para maipatupad ang implimentasyon ng pangkapayapaan na kasunduan.

Bahagi din ng normalization process ang decommissioning ng MILF combatants.

Sa Septembre 7, 2019 ay aabot sa 12,000 mga mandirigma ng MILF at 2,100 mga armas nila ang ide-decommission.

Ang decommissioning process ay isasagawa sa Barangay Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao.