VIGAN CITY – Malaki ang paniniwala ng ilang political analyst na mapapanatili umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mataas na popularity rating sa pagpasok ng taong 2020.
Ito ay sa kabila ng iba’t ibang pambabatikos ng ilang mga kritiko sa ilang mga programa at proyektong ipinapatupad ng kasalukuyang administrasyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ng isang political analyst na si Ramon Casiple na malaki umano ang nai-ambag ng maraming mga sumusuporta sa anti-drug campaign ng Duterte administration sa mataas na popularity at trust rating ng pangulo.
Aniya, patunay umano ng mataas na popularity at trust rating na nasisiyahan ang publiko sa pamamahala ng kasalukuyang administrasyon na inaasahan nitong magtutuloy-tuloy hanggang matapos ang termino nito.