-- Advertisements --
Payag si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit ng saliva test para tuluyang masuri kung ang isang tao ay tinamaan ng COVID-19.
Sa kaniyang national address nitong Lunes ng gabi, aniya maging siya ay hindi komportable sa swab test gamit ang RT-PCR TEST.
Dagdag pa nito, 99 porsyento na accurate ang nasabing saliva test kaysa sa swab test dahil sa ito ay magdudulot ng sakit sa mga nagpapa-swab test.
Nauna ng iginigiit ng Philippine Red Cross na mas mura ang saliva test na siyang ginagamit na rin ng ibang bansa na kailangan ng mga health workers.
Malaki rin daw ang porsyento nito para ma-detect kung ang isang tao ay COVID-19 positive.