Matiyaga umanong pinanood ng Pangulong Rodrigo Duterte ang opening match ng Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA Basketball World Cup.
Ito’y kahit na hindi pinalad ang koponan ng Pilipinas kontra sa Italy 62-108.
“The Filipino players valiantly fought their taller, bigger, shiftier and sharp-shooting Italians, with their accurate three-point shots,” saad ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang pahayag.
Bagama’t natalo raw ang Gilas, nagpakita pa rin umano ng kagalingan ang mga Pinoy sa laban.
“It’s not always the winning that counts, it’s how the game is played,” ani Panelo. “Our Filipino players played with grit and passion. And for that, they deserve our admiration.”
Bago ang World Cup, sinabi ni Pangulong Duterte na matatalo lamang daw ang Pilipinas sa Italian squad.
“China na lang tayo magpusta. Wala. Ay sus. Pa-corny ka pa. Wala talaga tayo,” anang presidente.