-- Advertisements --
DAGUPAN CITY – Nagabiso si National Secuirty Adviser Hermogenes Esperon hinggil sa mga sasabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte kanyang ikaapat na State of the Nationa Address (SONA) sa Lunes, July 22.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Esperon na may mga bagong pahayag ang pangulo tungkol sa mga napapanahong issue na dapat abangan ng mga Pilipino.
Sa ngayon wala naman daw nakikitang problema ang palasyo sa darating na SONA.
Nasa higit 5,000 pulis umano ang kanilang idedeploy sa paligid ng Batasang Pambansa, kasama ang Armed Forces.
Tiniyak din nitong malayang makakapaghayag ng kanilang saloobin ang mga grupo na magkikilos protesta sa araw ng SONA.