-- Advertisements --
duterte prrd digong
Pres Duterte

Pinakiusapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kasundaluhan at mga kapulisan na kung sakaling magbalak sila na maglunsad ng kudeta ay huwag itong gawin sa kaniyang termino.

Sa kaniyang talumpati sa 72nd anibersaryo ng Philippine Air Force, sinabi ng Presidente na kung sakaling may balak sila ay handa naman siyang makipag-usap.

Nabanggit ng commander-in-chief ang nasabing usapin matapos ang paglabas ng isyu na maaaring ang Presidente dahil sa taliwas nitong paniniwala sa konstitusyon.

Nauna rito noong nakaraang taon sinabi rin ng Pangulo na maaring kunin ng mga kapulisan at militar ang kaniyang kapangyarihan kahit na hindi naglulunsad ng kudeta.

Note: Pls click Pres. Duterte’s audio statement