-- Advertisements --

Nilinaw ni Labor Sec. Silvestre Bello III na may private appointment si Pangulong Rodrigo Duterte kagabi kaya hindi nakadalo sa gala dinner ng mga participants ng Belt and Road Forum sa Beijing, China.

Pres. Duterte
Pres. Rodrigo Duterte attends business forum at the sidelines of Belt and Road Forum in Beijing, China.

Una ng napabalitang hindi nakadalo si Pangulong Duterte sa gala dinner dahil inatake ng migraine o matinding pananakit ng ulo.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Sec. Bello, nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga Chinese officials kaugnay sa labor relations ng Pilipinas at China.

Chinese business applauds Pres. Duterte as he delivers his speech during the business forum in Beijing, China.
Chinese businessmen applauds Pres. Duterte as he delivers his speech during the business forum in Beijing, China.

Magugunitang kinukuwestiyon ang pagdami ng mga Chinese workers sa Pilipinas kung saan marami dito ay iligal na nagtatrabaho sa bansa.

Ayon kay Sec. Bello, okay at maganda ang kondisyon ni Pangulong Duterte maghapon kahapon kung saan madalas nga siyang binibiro sa kanyang talumpati.

Dumalo pa nga daw sa business forum at sinaksihan ang exchanges o palitan ng mahigit $12 billion na halaga ng investment na pinasok ng Philippines at Chinese companies sa sidelines ng Belt and Road Forum sa Beijing, China.

Sa kanyang talumpati kagabi sa business forum, sinabi ni Pangulong Duterte na China na ngayon ang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas at nangungunang pinanggagalingan ng foreign investments.