-- Advertisements --

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanang Pilipino na bigyang-pugay ang buhay at pamana ni Dr. Jose Rizal sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa kanyang patriotismo at kabayanihan sa lahat ng ating gawa, gayundin ang paggabay sa mga kabataang Pilipino na lalo panbg maging makabayan.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang mensahe ngayong ginugunita ang ika-125 na pagka-martir ni Dr. Jose Rizal.

Sinabi ni Pangulong Duterte, tunay na ang mga bayani ay ibinubuwis ang kanilang mga buhay para sa bayan at taongbayan at natunghayan ang ganitong kabayanihan sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Pangulong Duterte, kaya ngayong ipinagdiriwang natin ang buhay at gawa ni Rizal, magbigay-pugay din tayo sa mga tinaguriang “modern-day heroes” na mga medical frontliners.

Inihayag pa ni Pangulong Duterte na ating tularan ang talino at katapangan ni Rizal sa ating simpleng pamamaraan habang isinusulong natin ang mas mabuti at maliwanag na kinabukasan ng lahat.

“As we commemorate Rizal’s contribution to our freedom and self-determination, may we continue to honor him by exemplifying patriotism and idealism in all our endeavors as well as by fostering a greater sense of nationalism among the Filipino youth. Indeed, true heroes give their lives for love of country and of our people. This heroism has become more manifest when the COVID-19 pandemic swept the whole world. People of unmatched boldness and compassion stood and fought against the odds brought by the disease in order to help save lives, even while risking their own,” ani Pangulong Duterte.

“Today, as we celebrate the life and works of Dr. Jose Rizal, let us also honor our modern-day heroes who are at the frontlines. Let us emulate his wisdom and courage in our own simple ways as we pursue a better and brighter future for all.”