-- Advertisements --
Hindi nakaligtas kay Pangulong Rodrigo Duterte na muling talakayin ang isyu sa korapsyon sa small-town lottery (STL) at Peryahan ng Bayan na pinapatakbo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga bagong talagang opisyal sa Malacañang, sinabi nito na ang STL at Peryahan ng Bayan ay puno ng pangungurakot.
Nauuna aniya ang korapsyon ng mga opisyal ng PCSO bago ang kanilang pagre-remit sa kaban ng bayan.
Magugunitang sinuspendi ng Pangulo ang operasyon ng lotto noong Hulyo 26 dahil sa malawakang korapsyon at ito ay ibinalik matapos ang ilang araw.
Pero ang STL at Peryahan ng Bayan at iba pa ay suspindido pa rin ang operasyon.