-- Advertisements --

Binigyang halaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigpit na pagpapatupad ng family planning.

Sa kaniyang talumpati sa Dumaguete-Sibulan Airport sa Negros Oriental, sinabi nito na mahirap utusan ang mga tao na ipatupad ang social distancing lalo na sa mga matataong lugar.

Dagdag pa nito na mayroon mahigit 110 milyon ang populasyon ng bansa na itinuturing ang bansa na mayroong mabilis na pagtaas ng populasyon.

Isang solusyon na nakikita nito ay ang striktong pagpatupad ng family planning kabilang na ang pagbibigay ng gobyerno ng contraceptives sa mga mag-asawa.

Magugunitang noong 2017 ay pinirmahan ng pangulo ang executive order na nagpapaigting ng pagpatupad ng modern family planning kasama na ang pagbibigay ng libreng contraceptive sa mahigit na anim na milyong kababaihan.