-- Advertisements --

May imbitasyon si Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa South Korea kasama si Russian President Vladimir Putin.

Sa kaniyang talumpati sa Filipino community sa Japan, sinabi nito na pinag-iisipan pa niya kung matutuloy ito sa pagbisita.

Ipinagdiinan nito na isang gastos lamang ang pagpunta nito sa ibang bansa lalo na kung ito ay gagamit ng chartered flight na nagkakahalag ng P5 million kada araw.

Hindi naman nito binanggit kung sino ang nag-imbita sa kaniya sa pagpunta sa South Korea.

Taong 2018 ng bumisita sa South Korea si Duterte at nakadaupang-palad si President Moon Jae-in kung saan naaprubahan ang P4.8 billlion trade agreements.