-- Advertisements --
Muling ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.
Ito ay may kaugnayan sa pagdawit sa kalihim sa umano’y anomalyang nagaganap sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon sa Pangulo ang iskandalo sa PhilHealth ay hindi sapat para kasuhan si Duque.
Dagdag pa nito, kaniyang nabasa ang nasabing findings at nakita nitong walang magandang dahilan para madawit ang kalihim.
Magugunitang nahaharap sa kaso sina dating PhilHealth president and CEO Ricardo Morales at ibang mga matataas na opisyal nito.