-- Advertisements --
Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang miyembro ng gabinete nito ang nais na matanggal na si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.
Sinabi ng pangulo na walang kadahilanan na tanggalin ang kalihim dahil ito ay walang kasalanan at nagtatrabaho.
Dagdag pa nito na kung desisyon ni Duque ang umalis ay kaniya itong irerespeto pero sa ngayon ay nahihiya aniya ang pangulo ng magtanggal ng isang tao na walang kasalanan.
Siya mismo ang nanghikayat kay Duque na samahan siya sa kaniyang administrasyon.
Magugunitang nahaharap sa batikos ang kalihim dahil umano sa kapalpakan nito sa COVID-19 response.