Nakabalik na bansa si Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari matapos payagan ng Sandiganbayan na makalabas ng bansa kamakailan lang.
Kagabi, nakipagpulong agad si Misuari kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo ng Malacañang.
Kasama rin sa pulong sina Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr., at National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon Jr.
Kung maaalala, Pebrero 25 pa nang huling nag-usap sa Palasyo si Pangulong Duterte at si Misuari bago siya makalabas ng bansa.
Pinayagan ng Sandiganbayan si Misuari na makadalo sa summit ng Organization of Islamic Cooperation Council of Foreign Ministers at 14th Session ng Parliamentary Union of Islamic Cooperation Member States sa United Arab Emirates at Morocco.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na gumawa siya arrangements o paraan para payagan si Misuari na makadalo sa mga nasabing foreign meetings.
Inihayag din nito na pagbalik ng MNLF chair sa bansa ay mag-uusap sila para talakayin ang posibleng mapapagkasunduan ng gobyerno para sa kanilang grupo.