-- Advertisements --

Binigyang-diin ng Malacañang na hindi magiging katanggap-tanggap kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi pagkakapasa ng 2020 proposed national budget at humantong uli sa paggamit ng re-enacted budget.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang dahilan kaya sinertipikahang urgent agad ni Pangulong Duterte ang budget bill.

Ayon kay Sec. Panelo, nais iparating ni Pangulong Duterte sa mga mambabatas na mahalagang maipasa “on time” ang General Appropriations Bill (GAB) para maiwasang maantala at madiskaril ang economic program ng administrasyon na makakaapekto sa pamamahagi ng serbisyo sa taongbayan at magpapabagal sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Iginiit ni Sec. Panelo na hindi dapat maantala ang government operations at makompromiso ang kapakanan ng mamamayan dahil lamang sa pamumulitika at magkakaibang interpretasyon sa budget.

“In certifying to urgency of the budget bill, PRRD wants to convey to the members of Congress the importance of passing the General Appropriations Bill on time to avoid a repeat of a reenacted budget that wreaked havoc to the economic program of this Administration, affected the timely delivery of basic services to the people, and ultimately, slowed our growth during the first quarter of this year,” ani Sec. Panelo.