Nagbago ang pananaw ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit ng medical marijuana.
Sa kaniyang talumpati sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Negros Occidental, na hindi pa napapanahon ang paggamit nito bilang gamot.
Dagdag pa nito na ignorante siya sa mga pagsasaliksik, hindi niya ito binabasa at wala itong balak na ma-legalize ito.
Nanindigan ito na maaaring sa ibang mga susunod na pangulo ay maisaligal na ito pero hindi sa panahon niya.
Magugunitang nakabinbin pa sa House of Representative ang House Bill 6517 o ang Philippine Compassionate Medicat Cannabis Act.
Ilang bansa na rin ang itinuturing na legal ang paggamit ng medical cannabis gaya ng California, ilang bahagi ng United States, Poland at noong Disyembre ay sa Thailand.
Nauna rito inamin din ng pangulo noon na gumagamit siya ng marijuana para ito ay manatiling gising.