Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang ikakansela ang bilateral talks kay Chinese President Xi Jinping kapag pinigilan siyang talakayin ang arbitration ruling na pumapanig sa Pilipinas noong 2016.
Ang isyu ay may kaugnayan sa pag-aangkin ng China sa ilang mga isla sa West Philippine Sea.
Isinagawa nito ang pahayag sa pagdalo sa inauguration ng solar-power project kagabi sa Romblon.
Ipinaggiitan ni Duterte na bilang Pangulo ng isang bansa ay may karapatan itong sambitin ang nais niya.
Patuloy pa rin daw na isusulong ng Pangulong Duterte ang mapayapang resolusyon sa problema sa West Philippine Sea para maiwasan ang tensiyon.
Nakatakdang magtungo sa China ang Pangulo sa katapusan ng buwan kung saan personal itong makikipagpulong kay Xi at inaasahang manonood din sa laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.