-- Advertisements --
duterte in russia
President Duterte

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang tatlong araw ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) para mabayaran ang kanilang mga buwis sa Bureau of Internal Revenues (BIR).

Tinakot pa ng pangulo ang mga ito na kapag hindi nagbayad ay kaniya itong babarilin at bobombahin.

Nagbabala rin ito sa kanila na huwag lokohin ang Pilipino.

Magugunitang ilang milyong peso pa ang utang ng mga POGO kung saan ayon sa BIR sa 60 na mga POGO ay 10 lamang sa dito ang nagbayad ng kanilang buwis.