-- Advertisements --
Nagtakda na si Pangulong Rodrigo Duterte ng deadline o ultimatum sa Canada para kunin nila ang kanilang tone-toneladang basura rito sa Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, mayroon na lamang hanggang May 15 ang bansang Canada para hakutin ang kanilang basura palabas ng bansa.
Ayon kay Sec. Panelo, kapag hindi ito nangyari pagsapit ng Mayo 15 o sa Miyerkules ng susunod na linggo, ang gobyerno ang magsasakay ng mga basurang ito sa barko at iluluwas papunta sa mga dalampasigan ng Canada.
Pero inihayag ni Sec. Panelo na sa kanilang paniniwala ay kukuhanin ito ng Canada dahil naiparating na sa kanila ang mensahe ni Pangulong Duterte.