-- Advertisements --
vape 2

Nagbiro ang Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang papatayin ang nag-imbento ng electronic cigarettes o vape.

Sa kaniyang talumpati sa mga elderly Filipinos sa Taguig City, ani Presidente kung sakaling makita niya ang imbentor ng vape ay kaniya itong ipapapatay.

Ang nasabing pahayag ay ilang araw matapos na ipag-utos nito ang pagbabawal sa publiko ng paggamit ng vape.

Samantala, kinikilala naman na ang nag-imbento sa e-cigarette ay si Hon Lik na isang Chinese national.