Pinag-aaralan pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung lalagdaan niya ba para maging ganap na batas ang security on tenure law o hindi.
Bigo ang Pangulo na talakayin sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang panukalang batas na ito na naglalayong wakasan ang “endo” o kontraktwalisasyon sa bansa.
Sa isang briefing pagkatapos ng kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na kailangan pa nilang makipag-ugnayan pa rin sa mga taong maapektuhan ng panukalang ito.
“It would affect the employers and of course it would also greatly favor the worker. It’s a catch-22 for me,” dagdag pa ni Duterte.
Gayunman, nang matanong ito kung lalagdaan ba niya o i-veto ang panukala, sinabi ni Duterte na posibleng mangyari ang dalawa.
“I can veto it and I can allow it to lapse into law,” palinawag nito.
Nabatid na nakatakdang mapaso ang panukalang ito ngayong linggo sa oras na walang aksyon dito ang Pangulo.