Nagmatigas si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya babawiin ang memorandum na kaniyang inilabas sa pagpigil sa mga cabinet officials na dumalo sa pagdinig ng Senado sa naganap umano na anomalya sa pagbili ng gobyerno ng medical supplies sa Pharmally Pharmaceuticals Inc.
Sa kaniyang address to the nation nitong gabi ng Miyerkules sinabi nito na handa itong ipagtanggol ang kaniyang memo kahit makarating pa ito sa Korte Suprema.
Dagdag pa ng pangulo, nais din niyang malaman ng Korte Suprema kung ano ang pinagagawa ng mga senador gaya ng pambabastos sa mga ipinapatawag nilang mga bisita.
Magugunitang inalmahan ng Philippine Bar Association (PBA) at human rights group na Karapatan ang ginawa ng pangulo na pagpigil sa mga opisyal ng gabinete at sinabing ito ay unconstitutional para lamang pagtakpan umano ang nagaganap na korapsyon.