-- Advertisements --

Umaasa ang Malacañang sa pagpapatuloy ng matagal nang partnership ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagsusulong ng mas malaya at mas mapayapang daigdig.

“We in the Philippines look forward to continuing our long-standing partnership with the United States in working together for a freer, more peaceful world,” ani Sec. Roque.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasabay ng pagpapaabot ng pagbati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panunumpa ni US President Joe Biden bilang ika-46 na pangulo ng Estados Unidos.

Ayon kay Sec. Roque, muling pinatunayan ng Amerika ang lalim ng kanilang demokrasya at kanilang commitment sa isang mapayapang eleksyon.

Inihayag ni Sec. Roque na kumpiyansa ang Pilipinas na kalakip ng pamumuno ni President Biden ang pag-asa at hangarin ng iba pang mga bansa.