Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatuloy ang Metro Manila Film Festival (MMFF) bilang ilaw o simbolo ng pag-asa habang nag-shift na ito sa online para matiyak ang kaligtasan ng mga moviegoers mula sa COVID-19.
Sinabi ni Pangulong Duterte, ang taunang event simula pa noong 1975 ay nagbigay sa mga manonood na Pilipino para ma-enjoy ang holidays kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan sa mga sinehan.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang MMFF ay nagbigay sa atin ng mga hindi makakalimutang pelikulang nagpapakita kung gaano kayaman ang ating kultura at pamana.
Una ng ipinagbawal ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga pagtitipon kabilang na ang mga leisure activities gaya ng panonood sa mga sinehan hanggang sa katapusan ng taon kaya ikinonsidera ng MMFF ang ibang platforms para kapwa matugunan ang kaligtasan ng publiko at matulungan ang local film industry.