-- Advertisements --
JV EJERCITO
Sen. JV Ejercito

TOKYO – Nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng cabinet position si outgoing Sen. JV Ejercito na natalo sa kanyang re-election bid sa katatapos na midterm elections.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa harapan ng Filipino community sa Tokyo, Japan kung saan narito rin si Ejercito.

Sinabi Pangulong Duterte, nanghihinayang siya para kay Sen. JV kasunod ng naging pagkatalo nito sa nakaraang halalan.

Kaya ayon kay Pangulong Duterte, may bakante naman sa gabinete na maaaring mapaglagyan kay Ejercito na nakatakdang matapos ang termino sa June 30.

Wala pa namang nabanggit si Pangulong Duterte kung saan nito itatalaga si Sen. JV matapos ang isang taong ban sa pagtatalaga ng mga natalong kandidato.