-- Advertisements --

VIGAN CITY – Tila nagpahiwatig uamno na si Presidente Rodrigo Duterte sa kanyang iindorsong kandidato sa pagka-presidente matapos ang kanyang naging talumpati sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur kasabay nang pagpapasinaya kahapon sa bagong Farmers Market sa nasabing bayan.

Ayon kay Duterte, maaari umanong iboto ng mga botante sa Ilocos Sur ang isang Ilocano leader sa Malacanang, sa kadahilanang karamihan sa mga cabinet members nito ay nagmula sa Ilocos region at iilan lamang ang mula sa Visayas o Mindanao.

Kabilang sa mga sinasabing Ilokanong opisyal ng presidente sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Agriculture Secretary William Dar, Transportation Secretary Arthur Tugade, Environment Secretary Roy Cimatu, at si National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Dagdag nito, aapat o tatlo na lamang silang Bisaya na naiwan daw sa gabinete at halos lahat ay mga Ilocano na.

Kaya’t sinabihan nito ang mga residente ng Ilocos Sur na mamili na sila kung sinong Ilocano ang ihahalal nilang lider ng bansa.