-- Advertisements --

Hindi nagpahuli si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpaparehistro sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa National Identification System.

Mismong sa Malacañang ginawa ang pagpaparehistro ni Pangulong Duterte.

Duterte national ID

Batay sa photo release ng Malacañang, makikitang kinunan ng biometric information si Pangulong Duterte at saka larawan.

Kasama rin sa nagparehistro sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Sen. Bong Go.

Nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11055 o Philippine Identification System Act noong Agosto 2018.

Layunin ng batas na magkaroon ng single national ID ang bawat Pilipino at resident aliens.