-- Advertisements --

Binigyang-pugay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga manggagawang Pilipino ngayong pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na kanyang kinikilala ang ating mga mangggawa na sa mga nakaraang buwan ay tiniyak na maipagpapatuloy ang kanilang serbisyo sa lipunan sa gitna ng nararanasan pa ring health crisis na nagpalugmok ng maraming mga negosyo sa buong mundo.

Muli ring pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang mga health workers at essential frontliners dahil sa patuloy nilang dedikasyon para masigurong hindi mahihinto ang pagbibigay ng serbisyong medikal ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Pangulong Duterte na patuloy ang pagsisikap ng kanyang administrasyon para mapangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa, maipursige ang security of tenure at iba pang proteksyon para sa mga obrerong Pilipino kasama na ang mga nagtatrabaho sa abroad.

Hinikayat din ng pangulo ang mga kinauukulan na maging katuwang ng pamahalaan sa pagbuo ng mas malakas na lipunan na maaaring maiwan sa mga susunod na henerasyon.