Kinumpirma ng Malacañang ang pagtatalaga sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong presidente ng Social Security System (SSS).
Sinabi ni acting presidential deputy spokesperson Kris Ablan, ang bagong magiging SSS president at chief executive officer (CEO) ay sa katauhan ni Michael Gonzales Regino.
Si Regino ay dating kinatawan ng labor sector sa Social Security Commission.
Siya ang pumalit kay dating SSS President Aurora Cruz-Ignacio na batay kay Finance Secretary Carlos Dominguez III ay inilipat naman sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) bilang board member.
Samantala, nagtalaga rin si Pangulong Duterte ng bagong deputy ombudsman for the Visayas na si Dante Florez-Vargas at may fixed term na pitong taon.
Si Vargas ang pumalit kay dating deputy ombudsman Paul Elmer Clemente.