-- Advertisements --

Nais pa rin ng Pangulong Rodrigo Duterte na mapuntahan ang Pag-asa island.

Ito ay kahit pa kinansela na niya ang unang plano na pagpunta sa isla sa June 12, 2017 para pangunahan ang pagtataaas ng bandila ng Pilipinas matapos itong iprotesta ng China.

Sa presscon sa Pagasa island, sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na gustong mag-overnight ng pangulo para makasama ang mga sundalo.

Pero hindi lang anya siya tiyak kung kailan ito mangyayari.

Ayon pa sa kalihim posibleng si Presidential Communications Office (PCO) Martin Andanar ang magpunta sa Pagasa sa unang nabanggit na petsa sakaling matayo na agad ang planong radio station sa isla.