-- Advertisements --

Dinagdagan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang eroplano na gagamitin ng Philippine Coast Guard.

Sinabi nito na ang pagbili ng tatlo pang eroplano ay makakatulong sa PCG para mapaigting ang kanilang pagpapatrolya sa West Philippine Sea at para maprotektahan ang mga mangingisda.

Isinagawa ng pangulo ang pahayag sa talumpati nito sa inauguration ng port projects sa Palawan.

Ang nasabing karagdagang eroplano aniya ay maaari ding gamitin sa rescue at evacuation tuwing may kalamidad.